Linggo, Oktubre 11, 2015

God's Not Dead

God’s Not Dead. Isang pelikula na hinahamon kung gaano kalaki ang pagtitiwala mo sa Panginoon at kung hanggang saan ang kaya mong gawin para maipagtanggol sa iba na “He is NOT Dead”.

Sa pelikulang ito, iba’t ibang uri ng tao ang ipinakilala. May mga taong naniniwala kay God. May mga taong hindi. May mga Kristiyano. May mga taong iba ang relihiyon at paniniwala. May mga naniniwala na ang mga natatanggap nilang biyaya ay galling sa Panginoon at meron din namang naniniwala na dahil iyon sa sipag nila at hindi dahil sa tulong ng iba.

“Si Josh Wheaton, isang Kristiyano, ay kumuha ng philosopy class na pinamamahalaan ni Professor Jeffrey Radisson na isang atheist. Sa unang araw ng klase, inatasan ni Prof. Radisson ang kanyang mga estudyante na isulat ang “God is dead” upang pumasa sa klase niya. Ngunit si Josh ay tumutol sa paggawa sa inaatas sa kaniya ng kanilang guro. Dahil sa pangyayaring iyon, binigyan siya ng pagkakataong ipaglaban na buhay ang Diyos. Binigyan ni Prof. Radisson si Josh ng dalawangpung minuto sa tatlong klase nila upang patunayan na God is NOT Dead. Ipinagpalit niya ang kanyang kasintahan para kay God. Mas pinili ni Josh na patunayan na God is not dead. Na ang Diyos ang kanyang tagapagligtas.”

“I feel like this is something God wants me to do. I can’t just turn away from him.” - Josh

“Si Professor Jeffrey Radisson ay isang guro sa pilosopiya at isa ring atheist. Upang pumasa sa klase niya, kailangan na hindi ka naniniwala sa Diyos, kailangan na para sayo ay walang Diyos. Para sa iyo, gaya niya, “God is DEAD”. Para sa kanya, siyensiya ang lumikha sa mundo pati sa mga tao. Tayo ang may gawa ng ating mga tagumpay.”

“Si Mina, asawa ni Professor Radisson, ay isa ding Kristiyano tulad ni Josh. Dahil nga ang asawa niya ay isang atheist, pinahiya siya nito sa harap ng ibang tao, pinahiya siya sa kaniyang pagiging Kristiyano. Isang araw, lumapit siya sa isa sa kanyang mga kapwa Kristiyano. Nikwento niya ang tungkol sa kanyang asawa na hindi naniniwala sa Diyos, na hindi sinusuportahan ang kaniyang pagiging Kristiyano. Sa pag-uusap nilang iyon, napagdesisyonan niyang iwan ang kanyang asawa. Mas gusto niyang makasama ang mas nagpapahalaga sa kanya – ang Diyos.

“Si Amy Ryan, isang blogger, ay nagkaroon ng sakit na cancer. Hindi niya matanggap na may sakit siya. Para sa kanya, hindi siya pwedeng magkasakit, hindi siya pwedeng mamatay. Sinabi niya ang kanyang kalagayan sa kanyang kasintahan na naging dahilan ng kanilang paghihiwalay. Para dun sa lalake, wala na siyang kwenta dahil hindi na din tatagal ang buhay niya at nakuha na niya ang kailangan niya kay Amy. Ayaw niyang maniwala sa Panginoon dahil binigyan siya ng pagsubok na hindi niya kaya.

“Si Mark ay isang mayamang negosyante at kapatid ni Mina. Ngunit kagaya ni Prof. Radisson, hindi din siya naniniwala sa Diyos. Para sa kanya, lahat ng tagumpay niya ay dahil sa sarili niya.”
“Si Ayisha ay nagmula sa pamilya ng mga Muslim. Sa pamilya nila, siya lang ang nag-iisang Kristiyano. Hindi alam ng pamilya niya na nag-iba siya ng relihiyon. Ngunit ng malaman ng kanyang ama, tinakwil siya sa pamilya, pinalayas. Noong mga panahong iyon, kahit hindi niya alam ang kung ano ng mangyayari sa kanya, ang Panginoon pa din ang una niyang nilapitan. Kahit nawala na ang kanyang pamilya sa kanya, patuloy pa din siyang nananampalataya sa Panginoon ngunit ngayon, pinagmamalaki na niyang isa siya sa mga anak ng Diyos.

“Si Reverend Dave, kung mapapansin sa pelikula, ay ang laging nagpapayo sa ating mga pangunahing aktor tulad ni Mina, Josh at Ayisha. Ang kanyang matalik na kaibigan na si Reverend Jude ay lalong nagpalalim ng kanyang paniniwala sa Panginoon. Gaya ng laging sinasabi ni Reverend Jude, ‘God is good all the time. And all the time, God is good.’

“Si Martin Yip ay isang Chino na nagmula sa pamilya ng mga hindi naniniwala sa Diyos. Palagi niyang sinasabi sa kanyang ama na totoo ang Diyos ngunit ayaw nitong maniwala. Hindi niya hinayaang mahadlangan ng kahit na ano, kahit ang paniniwala ng kanyang ama at ng kanilang guro, ang kanyang paniniwala sa Diyos. Dahil para sa kanya, mayroong Panginoon.”


No one can disapprove that God exists. We see God in everything. We feel God in everywhere.

Sa mundong ito, iba-iba ang paniniwala ng mga tao. Madami pa din ang hindi naniniwala sa Panginoon ngunit hindi pa huli ang lahat. Ang Diyos ang makapagliligtas sa atin. Ang Diyos ang makatutulong sa ating malagpasan ang mga pagsubok natin sa buhay. May plano ang Diyos sa atin. Hindi natin pwedeng kuwestyunin ang mga nangyayari sa atin. Lahat ng bagay, may dahilan. May dahilan ang Diyos ba’t tayo binibigyan ng mga pagsubok na sa tingin natin ay hindi natin kakayanin. May dahilan ang Panginoon ba’t minsan kinukuha na niya ang mga mahal natin sa buhay. Magtiwala lang tayo sa Diyos, lahat ay magiging maayos. Lahat ay naaayon sa kanyang plano.


Jesus said this, “Whoever acknowledges me before man, He will acknowledge before the Father in Heaven. Whoever disowns Me, I will disown disown him to the Father.”

“Sa dulo ng pelikula, nagtagumpay si Josh Wheaton sa kanyang misyon. Napaniwala niya ang lahat ng kanyang kaklase sa pilosopiya na totoo ang Diyos. Ang Diyos ang gumabay sa kanya upang mapaniwala ang mga kamag-aaral niya at pati na din ang kanyang professor.”
Tinanggap niya ang hamon ng kanyang professor kahit noong una ay napanghihinaan siya ng loob. Ayaw niyang madisappoint si God sa kanya kaya tinanggap niya ang hamon ng kanyang professor at patunay at paniwalain ang lahat ng nasa klaseng iyon na totoo ang Diyos. Si Jesus ay ating kaibigan, kapatid kaya huwag natin siyang idisappoint. He’s NOT dead. He is alive.

Romans 1:16
                I am not ashamed of the Gospel of Christ because it is the Power of God for the salvation of everyone who believes…

“Galit. Yan ang nararamdaman ni Professor Radisson sa Panginoon. Naniniwala siya sa Panginoon ngunit galit siya dito. Sabi nga ni Josh ‘Paano ka magagalit sa taong hindi naman nag-eexist?’ Namatay ang ina ni Professor Radisson. Nagalit siya sa Panginoon dahil hindi siya pinakinggan sa kanyang dasal noon na buhayin ang kanyang ina. Hiniwalayan din siya ng kanyang asawa na sa tingin niya ay ang Diyos din ang may kasalanan.” May plano ang Panginoon. Hindi dahil hiniling natin, matutupad. Matutupad ang ating panalangin sa kanya kung iyon ay naayon sa kanyang plano. “Nabasa niya ang sulat ng kanyang ina na ginawa bago ito mamatay. Nabasa niya doon na ang gusto ng kanyang ina na ipagpatuloy pa din ang kanyang paniniwala sa Diyos. Dahil doon, gusto niyang itama ang kanyang mga pagkakamali. Papunta siya kay Mina para humingi ng tawad ngunit nasagasaan siya ng isang kotse habang umuulan. Hindi na din tatagal ang buhay niya noon dahil sa lakas ng pagkakabangga sa kanya. Habang hinahantay niyang mawala ang kanyang hininga, nagsisi siya. Pinagsisihan niya ang kanyang mga kasalanan at tinanggap ang Panginoon sa kanyang buhay.”

Kahit kelan, kahit saan, pwede nating pagsisihan ang ating mga kasalanan basta tinatanggap natin ang Diyos at buong puso nating pinagsisisihan ang ating mga kasalanan. Kaya nating gawin ang lahat ng bagay dahil nandyan ang Panginoon na gumagabay sa atin at nagpapalakas sa atin para harapin ang lahat ng pagsubok na dumadating sa ating buhay.

Sometimes the devil allows people to live a life free of trouble ‘cause he doesn’t want them turning to God. Madaming tukso ang nasa paligid dahil ayaw ni Satanas na kay God tayo maniwala. Lahat gagawin niya para talikuran natin ang Panginoon kaya dapat buong puso tayong nagtitiwala at naniniwala sa Panginoon upang maiwas tayo sa pagkakasala. Sin is like a jail cell except its nice and comfy and there doesn’t seem to be any need to leave. The door is wide open. Until one day, it slams shut. Dapat sigurado tayo sa mga desisyon at kilos natin dahil ang kasalanan natin ay nangyari na ngunit kapag buong puso nating pinagsisihan an gating nagawang mali, mapapatawad tayo ng Diyos. Nararapat lang tayong magsisi hanggang may oras pa tayong itama ang ating mga pagkakamali kung gusto nating hanggang sa kabilang buhay ay kapiling natin ang Panginoon.



GOD’S NOT DEAD.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento